First Week of School

Hi Matt! Musta? What have you been doing? Overdue na tong post na to , pero ihabol ko parin since one of the important part of your growing up years to.. this is your first week sa school! Sa kindergarten!

Na late ako ng post kasi nakalimutan ko yung password eh, hehehe.. 31 pa lang si daddy today (june 23, 2010) pero makakalimutin na :)

So, ngayon nasa first floor kayo ni mommy, gumagawa kayo ng assignment.. Di kasi nakita ni mommy kahapon yung assignment, pero sinabi naman ni Mrs. Sonia Palad (adviser mo) na may assignment nga kayo.

Assigment mo is mag drawing sa book ng mga bagay na pinapasalamat mo sa God. Galing ako dun kanina eh (nasa Apartment pa tayo ni nanay nakatira ngayon) nandito ako sa third floor, work from home (ctbank).

Anyway, balik tayo sa topic… first week mo sa school. Nagstart ang school last tuesday, june 15.. kasi ni move nila Independence day holiday nung June 14, monday kaya tues first day of school.

Before yung school week, bini build up ka na nmin ni mommy sa  school. sabi namin, masaya dun, maraming bata, puro play time, mag drawing, mag sulat (mahusay ka magsulat at magbasa for a 4 year old! lahat ng classmate mo di pa marunong)

Excited ka na mag school, pero nung tuesday, nung hinahatid ka na namin ni mommy, nakasakay tayo kay Emmo (car mazda 3 ’05) sabi mo ayaw mo na mag school.. ayun paiyakan tayong 3 dun sa harap ng simbahan.

Buti nalnag napilit ka ni mommy. Atungal ka eh. Sabi ko, sige uuwi tayo sa apartment pero papalutin kita ng belt ni daddy. Ayun, hikbi hikbi, sumama kay mommy sa school. Naiwan ako sa car. Nung sinundan ko kayo, namamaluktot ka pasa upuan, hehehe pero nung palagay na loob mo sa school, pinaka malikot ka! grabe! Ang daldal mo! Check mo tong video na to:




Pinapalipat ka nmin chair/katabi.. kasi ang likot nung Clarisse.. ayaw makinig sa teacher, nagagawa ka ng kkatayo at lumalabas.. sumunod ka naman kinabukasan.

First day palang yan… tuwang tuwa kami lahat, sila nanay, mga tito, tita.. sana may Facebook pa rin pag mabasa mo to pag matanda ka na, pero nakakatuwa ka.

Si Sean naman, hi Sean!. Wala kasi tayong yaya eh, kaya bago kami maghatid sa kuya mo, pinapatulog ka muna ni mommy, tapos pababantayan ka muna kay Annalyn, nanay ni buboy na isa sa link builder ni daddy.

Ang bait bait mo nga eh, siguro dahil kilala mo na si annalyn. Pero first two days, 2pm lang uwian na ni kuya, half day (?!!) 12-3pm kasi sched. Kakagising mo lang pag dumarating kami, so parang di nawala si mommy.

Leave a Reply