Appraisal Fee

Hey matt and sean! Musta? How old are you? :)

11:48pm, July 1, 2010… tapos na ang first half ng 2010. Pumasok si daddy ngayon sa office kaya di kita nahatid sa school Matt. Nagbayad ako ng Appraisal fee sa BPI family bank sa ayala, then binigay ko sa BPI direct.. para ma process na yung application ng housing loan.

Balak ni daddy is ilagay na Php500K yung market value ng house and lot para maliit liit yung tax. Ok lang siguro kahit tignan ng mag aapraise ng bahay.. basta magkaron ng loan sa bank at ibayad muna sa Php350K na utang kay Jon Ty. (office mate ni daddy at ninong mo Matt.. ewan ko kung alam nya, hehehe)

Anyway, tinawagan ko na rin yung maglilipat ng titulo. Humingi rin ako advise kay tito bunso about sa mga papel.. dami daw butas, baka maghabol pa.. Papirma daw ako ng reciept of payment para makalaban ng estafa sa seller. Anyway, uwi si tito dennis sa saturday, pakita natin.

Bumily ako ng 4th toy ng Toy Story 3! Favorite nyong dalawa ngayon to eh.. nag papaiyakan kyo lagi.. Wawa naman Sean laging pinapaiyak ni kuya.. Tuwang tuwa ka sean sa mga toys.. Kilala mo sila Woody, Buzz, Jessie.. pati yung marsian.. tawag natin ay “ooohhhh” :)

Leave a Reply